sobrang nakakadrain ang maging member ng INCULTO

context: lagi akong tinatawagan ng katiwala namin —na kamag-anak ko din na umattend ng mga pulong at kung ano ano pang aktibidad ng kulto (na never kong nireplyan at sinagot) kaya ngayon magulang ko naman ang ginugulo nya na ichinachat nya na parang utang na loob ko pa at kailangan kong sumagot sa mga tawag nya dahil ayon sa kanya "di na nga pinapapunta dito linggo linggo para matagubilinan simple pagcommunicate di pa magawa?" yan yung exact words sa message nya sa magulang ko. sinasabi ko naman na ibababa ko na yung tungkulin ko, sila naman yung may ayaw, hinihingi ko yung transfer out ko ayaw din nila ibigay. ayoko naman na hindi ako sumamba kasi mas lalong madadamage yung mental health ko kung pati pagsamba ititigil ko kasi for sure mas malalang sermon yan (since inc din talaga yung fam ko)

nakakaiyak lang yung fact na tanggap mo namang myembro ka ng kulto pero nakakadrain yung hindi pa sapat sa kanila na nasamba ka, naghahandog, th, lingap, lagak, gusto pa ng free charity work, na mga pulong na pwede namang iyan ang iteksto sa pagsamba, sa totoo lang. bakit need pa na sa buwanang pulong ng kapisanan talakayin yung pagiging mabuting tao, pagiging mabuting katrabaho etc, eh yan naman dapat ang inileleksyon sa pagsamba, hindi yung pagpapasalamat kay lord evm grrr